Hottie Office Buddies

Posted by Hello Gorgeous friends...to match the gorgeous mom...haha!

Question: Why 'am I enjoying a lousy job like mine?
Answer: Because I get to spend time with my wonderful hottie office buddies!!!

Comments

Anonymous said…
really now...sherlog!
Anonymous said…
ang mga kaluluwang sinunod ang liwanag kaya nagsama-sama sa kaguluhan at sa mga walang kwentang bagay...n fairness masaya tlaga kz lahat my kanya kanyang sakit...sherlog!
Anonymous said…
Sa panahon natin ngayon, may isang grupo ng mga tao na unti-unting
lumalaki ang populasyon. Ito ay ang grupo ng mga nilalang na namumuhay
mag-isa...mga singletons ayon kay Helen Fielding. Mga nilalang na kung
hindi man kinakaawaan ay tinitingnan ng may pagkutya ng lipunan. Isa
ako
sa mga nilalang na ito.

Mahirap maging isang singleton. Kapag singleton ka kasi, nagiging
bangungot
para sa iyo ang dumalo sa mga family gatherings kung saan paulit-ulit
lang
ang naririnig mo mula sa iyong mga kamag-anak. "May boyfriend ka na
ba?"
Wala pa po. "Naku eh ilang taon ka na ba?" Twenty-seven po. "Ha? Nung
kasing-edad kita tatlo na ang anak ko ah". Yadayadayadablahblahblah.

Ito yung parte kung saan paliliparin ko na ang utak ko sa ibang
bagay.
Nuninuninuninu. Kelan nga ba ang deadline nung ginagawa ko? Lintek
bukas
na pala yun! Hmm...which reminds me...birthday nga pala ng kabarkada
ko bukas. Teka ma-text nga. Tsk, ang dry na naman ng kamay ko ah.
Makabili nga ng hand lotion mamya. Shucks kaso palabas nga pala yung
paborito kong pelikula sa HBO. Kelangan ko umuwi ng maaga--

"Di bale. Darating din yun".

Haaay salamat! Natapos din ang litanya. Ngingiti na lang ako na para
bang
iyon na ang pinakamagandang balita na narinig ko. Talaga po darating
din
yun? Naku ang saya-saya ko naman! Maraming maraming salamat po at
binigyan
niyo ng mumunting liwanag ang madilim kong buhay!

Yeah right.

Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagpapakita sa mga kamag-anak ko.
Ito
rin ang dahilan kung bakit tuwing may makakasalubong akong dating
kaklase
ay nagtatago ako sa pinakamalapit na puno, poste o truck. Sawang-sawa
na
kasi ako sa mga usapan na magsisimula sa "May boyfriend ka na ba?" at
matatapos sa "Di bale darating din yun". Wala na ba silang mas
magandang
masasabi? Sa totoo lang pag narinig ko pa ng isang beses ang DDY eh
sisigaw na ako.

Darating din yun. AAAARGH!!!

Hindi ako natutuwa pag naririnig ko yun. Hindi naman kasi totoo eh.
Paano
ba sila nakasiguro na may darating? Paano kung hindi dumating? O kaya
dumating nga pero ilang sandali lang eh umalis din? O dumating na pala
pero hindi ko napansin? Paano na kapag ganun?

Hindi ba mas maganda kung ganito na lang ang sasabihin nila? "Okay
lang na
mag-isa ka ngayon. Hindi naman hadlang ang pagiging singleton para
maging
masaya ka eh. Huwag mong hanapin ang kaligayahan mo sa ibang tao dahil
bottomline, sa yo lang nakasalalay iyon. At kung sakali man na balang
araw
dumating sa buhay mo ang isang tao at may posibilidad na siya na yun,
sana
magkaroon ka ng lakas ng loob para bigyan siya ng pagkakataon."

Yun nga lang mas mabilis pa rin sabihin yung standard na
kumusta-may-bf-ka-na-ba-wala-pa-di-bale-darating-din-yun. Minsan naman
kasi nakikipag-smalltalk lang yung iba. Minsan wala naman talaga
silang
pakialam kung okay ka lang ba with your single life o gusto mo ng
tumalon
sa
pinakamalapit na bangin o di kaya'y magpasagasa sa pinakamabilis na
kotse.

Pero okay lang naman ako, masaya ko sa pagiging singleton. Hindi rin
ako
manhater at lalong hindi ako disillusioned tungkol sa pag-ibig. Kasi
kahit papano naniniwala pa rin ako. O mas tama sigurong sabihin na
umaasa
ako.

Sana nga...balang araw...dumating din yun...sherlog!
Anonymous said…
eh kasi naman bakit ba boyfriend ang hinahanap mo e......ang dami naman dito.....kagaya ni rizza o kaya si linette o si jeanette.......hehehehe....boracay baby!

Popular posts from this blog

The Search for the Binibining Global City 2005

Binibining Global City 2004