ganito
Ang pag-ibig ay 'di lang pakiramdam
'Pag tumatagal, lalong dapat alagaan
At kung 'di mo kaya na siya'y mawala
Kung iniisip mo kung paano ipapakita
Ganito
Ang kanyang kamay ay hawakan mo
Na parang hawak mo ang buong mundo
Ang pangalan niya ay tawagin mo
Kung pa'no sinisigaw ng iyong puso at kaluluwa
Wala na'ng mas mahalaga yakapin ang dinarama
Ng lubos, at kung ayaw mo na siya'y maglaho
Mahalin mo siya ng ganito
'Di kailangan ng magagarang salita
Ipaalam mo lang pinipili mo siya araw-araw
At kung 'di mo kaya na siya'y mawala
Kung iniisip mo kung paano ipapakita
Ganito
Ang kaniyang kamay ay hawakan mo
Na parang hawak mo ang buong mundo
Ang pangalan niya ay tawagin mo
Kung pa'no sinisigaw ng iyong puso at kaluluwa
Wala na'ng mas mahalaga yakapin ang dinarama
Ng lubos, at kung ayaw mo na siya'y maglaho
Mahalin mo siya
Kaya mo ba'ng tumabi sa kaniya
Kahit 'tulak ka niya palayo?
Samahan siya sa madilim niyang mundo
Para lang ipakita na 'di siya nag-iisa dito
Ganito
Ang kaniyang kamay ay hawakan mo
Na parang hawak mo ang buong mundo
Ang pangalan niya ay tawagin mo
Kung pa'no sinisigaw ng iyong puso at kaluluwa
Wala na'ng mas mahalaga yakapin ang dinarama
Ng lubos, at kung ayaw mo na siya'y maglaho
Mahalin mo siya ng ganito
Ng ganito
I usually turn the music out loud while I am driving. And t'was an ordinary day, there I was, driving to work and will pick up Mel along the way. I was having problems connecting to my spotify so I switched to radio instead.
Then I heard this song and told myself, "Oh my gosh, this is exactly what I feel for her! This is our song!"
I quickly searched the song at youtube and played it all over again and again and again. I was too excited that day that even though I'm about to see her like after 5-10 minutes, I called her up and told her, "Love, there is something I want you to hear" And she said, "Ano yon? ano yon?" feeling irritated na... Then I said, "Basta, mamaya na...."
And when she finally heard the song, kinikilig sya...hahaha!
But seriously, the lyrics says it all and guess what's my favorite line?
It's..."pinipili mo sya araw-araw" because that is what we are doing for a year now, we choose each other everyday, we choose to love each other, we choose to be with each other. She chooses me and I choose her every single day.
And let me post the caption I wrote in my instagram...
lagi kang andyan para sa akin
at sa mga bata,
para kay nanay at sa mga kapatid ko.
lagi kang andyan para ipakita at iparamdam sa akin kung paano magpahalaga at magmahal ng totoo.
lagi kang andyan para samahan ako sa anumang pinagdadaanan ko,
tumawa pag masaya ako,
makinig sa mga kwento ko at yumakap pag malungkot ako.
lagi kang andyan para pagpasensyahan at pagbigyan lahat ng sumpong ko 🤪
lagi kang andyan para hawakan ang kamay ko at sabihin na hindi mo ko bibitawan.
lagi kang andyan para ipaalala sa akin na pinipili mo ko araw-araw.
lagi kang andyan hindi lang sa likod ko, pero lagi kang andyan love, sa tabi ko.
ganito mo ko minamahal at
ikaw lang din ang mamahalin ko ng ganito ❤️
Comments